No. 6 Most Wanted sa Ramon, Arestado!

94

Ramon, Isabela – Bagsak sa kulungan ang isang trabahador ng konstruksiyon na itinuturing na Top 6 Most Wanted Person ng bayan ng Ramon, Isabela matapos na madakip kaninang bandang alas otso ng umaga sa Brgy. Pugaro, Balungao, Pangasinan.

Kinilala ang akusado na si Joey Saraos, 50 anyos, at residente ng Brgy. Pugaro, Balungao, Pangasinan at Purok 7, Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.


Nadakip si Saraos sa pinagsanib na puwersa ng kapulisan na pinangunahan ni P/Cpt. Abdelaziz D Maximo hepe ng PNP Ramon at mga tauhan ng Bulangao Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ester L. Piscoso-Flor ng RTC Branch 21 ng Santiago City dahil sa dalawang (2) kaso ng panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kamay ng mga otoridad ng Bulangao Police Station para sa dokumentasyon nito matapos ang pagsisilbi ng search warrant.

Facebook Comments

From Advertisers