CBRP, Patuloy na Tinututukan ng PNP Naguilian!

Naguilian Isabela- Puspusan parin ang ginagawang pagtutok ng PNP Naguilian sa kanilang Community Based Rehabilitation Program (CBRP) upang matiyak na ang lahat ng mga tokhang responders sa kanilang bayan ay sumailalim dito.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Randy Tulinao, ang deputy chief of police ng PNP Naguilian sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Aniya, mula umano sa kabuuang bilang na 292 na mga tokhang responders sa kanilang bayan ay nasa 106 na umano ang nakapagtapos na ng CBRP at may isang daan pa umanong tokhang responders ang kasalukuyan nilang tinututukang sumasailalim na ng CBRP.


Dagdag pa rito, mula umano sa kabuuang bilang na dalawampu’t limang barangay sa kanilang bayan ay lima dito ang drug non-affected at nakapag deklara na din umano ng dalawang drug cleared barangay.

Sa kasalukuyan ay puspusan din umano ang pagtutok at pagmomonitor ng PNP Naguilian sa mga menor de edad na naireveal ng mga nahuling sangkot sa iligal na droga upang mabantayan at mahuli ang mga sangkot dito.

Samantala, masaya namang ibinahagi ni PSI Tulinao na wala umanong mga high value target o mga kawani ng gobyerno ang sangkot sa iligal na droga sa kanilang nasasakupang bayan.

Facebook Comments