PNP Naguilian, Nakatanggap ng Bagong Patrol Car Mula sa National Head Quarters!

Naguilian, Isabela- Malaki ang pasasalamat ng PNP Naguilian matapos silang mapagkalooban ng isang bagong patrol car mula sa National Head Quarters kamakaylan.

Ito ang masayang ibinahagi ni Police Senior Inspector Randy Tulinao sa naging talakayan sa RMN Cauayan kahapon Agosto 18, 2018.

Aniya ay ipinagkaloob umano sa kanila ang bagong sasakyan noong Agosto 17, 2018 ng National Head Quarters kung saan ay malaki umano ang maitutulong nito sa kanilang ginagawang pagpapatrolya at pagbabantay sa siguridad at kapayapaan ng kanilang nasasakupang bayan.


Sa ngayon mayroon na umano silang tatlong patrol car na maaaring magamit sa kanilang mga ginagawang programa lalong lalo na sa kanilang ginagawang pagroronda at pagpapatupad curfew hours upang matutukan kung may mga residenteng gumagawa ng iligal na gawain.

Dahil dito ay lalu pa umanong paiigtingin ng PNP Naguilian ang kanilang pagbabantay upang masiguro ang kapayapaan at katahimikan sa naturang bayan.

Samantala, hindi rin umano sila titigil sa ginagawa nilang pagtutok sa mga gumagamit ng iligal na droga at sugal hanggang sa mahuli at mapanagot ang mga gumagamit at gumagawa nito sa batas.

Facebook Comments