Dumating na sa Pilipinas ang China Coast Guard (CCG) para sa isang “friendly visit.”
Sa isang seremonya ngayong Martes ng umaga, sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang delegasyon ng CCG sa pangunguna ni China Coast Guard Commandant General Wang Zhongcai.
Sa paglalayag ng CCG sa karagatan ng pilipinas, dala nila ang vessel 5204 at dumating sa Port of Manila kung saan magtatagal ang CCG sa bansa hanggang sa January 17.
Sinasabing ito ang unang pag-bisita ng Chinese vessel 5204 sa Pilipinas.
Layon ng “friendly visit” na magkaroon ng mas malalim pang kasunduan, pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Philippine at Chinese Coast Guards.
Kabilang sa mga aktibidad sa pagitan ng PCG at CCG ay bilateral talks para talakayin ang ilang mga isyu tulad ng hotline communication, search and rescue operation, posibilidad ng pag-daraos ng conducting joint exercises para sa maritime security at iba pa.