CCNHS, Nakapagtala ng Mahigit 2,000 Enrollees sa kabila ng Pandemya

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa mahigit 2,000 enrollees ang naitala ng Cauayan City National High School simula Hunyo 1-3 sa kabila pa rin ng banta sa posibleng pagkalat ng corona virus.

Ayon kay School Principal Primitivo Gorospe, mananatili pa rin ang remote enrollment sa loob ng dalawang (2) linggo o sa pamamagitan ng ‘Call & Text’, Social Media platforms.

Aniya, sesentro ang mga guro sa kanilang advisory class noong nakaraang taon para sa gagawing remote enrollment.


Dagdag pa ni Gorospe, tinatayang nasa mahigit 100 ang papalarin na mapabilang sa special curriculum na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) habang ibubukas naman ang Special Programs in the Arts (SPA) dahil kabilang na rito ang pagkakaroon ng foreign language in chinese mandarin.

Posible din aniya na umabot sa mahigit 6,000 ang mga enrollees ngayong school year dahil sa inaasahan din ang pagdagsa ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kalapit na bayan.

Binigyang-diin pa ni Gorospe na iiral pa rin ang ‘No Collection Policy’ maliban na lamang sa mapagkakasunduan ng General Parents Teachers Association (PTA).

Facebook Comments