*Cauayan City, Isabela*- Pasok sa shortlist ng Rice Film Festival ng Department of Agriculture Field Office 2 ang gawa ng ilang estudyante pagdating sa documentary film na sumesentro sa nararanasang umano’y pahirap sa mga magsasaka dahil sa isyu ng Rice Tarrification Law.
Una rito, ipapamalas ni Angela Amin, Direktor at kanyang grupo at isa sa mga title na pinagpipiliin ng mga ito ay ang ‘Miserable Life of a Farmers’.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Teacher Maan Celene Carag, nagkaroon ng ilang obserbasyon ang mga mag aaral sa lungsod ng Cauayan at kalapit na bayan at nakita ng mga ito ang hirap ng mga nasabing magsasaka.
Ayon pa kay Teacher Carag, hirap din umano ang mga magsasaka sa pagbebenta ng palay dahil sa mababang presyo ng pagbili ng palay.
Kikilalanin din ng nasabing tanggapan ang mga estudyante mapapabilang sa pagiging Best Actress/Actor at mag uuwi ng 20,000 pesos ang magwawaging Best Film Documentary.
Ilan sa mga paaralan na makakalaban ng mga ito ay Qurino, Bayombong at Tuguegarao.