CCP-NPA, LUMABAG SA ENGAGEMENT OF WAR AYON SA 5TH ID!

Cauayan City, Isabela – Direktang pinaratangan ng 5th ID sa paglabag sa engagement of war at International Humanitarian Law ang Benito Tesorio Command ng CPP-NPA.

Ito ay matapos aminin ng naturang pangkat na sila ang responsable sa naganap na dalawang labanan sa San Guillermo, Isabela.

Sa inilabas na pahayag ng Benito Tesorio Command ng NPA, isang yunit nila ang responsable sa tactical offensive operation na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng tatlong iba pa mula sa 205th Manuever Company ng PNP at ang isang yunit nila ang may kagagawan sa pagpapasabog sa Command detonating bomb sa tropa ng 86th IB na nagsasagawa ng manhunt operation.


Ayon kay Maj. Noriel Tayaban, pinuno ng Divisions Public Affairs Office (DPAO) ng 5 th ID, ang ginawang ito ng NPA ay lantarang paglabag sa engagement of war at International Humanitarian Law.

Taliwas umano ito sa ipinaglalaban at makamasang hangarin ng rebeldeng pangkat.

Ang sinasabing tagumpay ng CPP NPA ay kasinungalingan din ayon pa kay Major Tayaban.

Kaugnay nito, nasamsam sa pinangyarihan ng bakbakan ang ilang personal na gamit ng mga NPA gaya ng backpacks, mga subersibong babasahin at dokumento, mga bala, magazine, medicine kit at iba pa.

Kinontra din ng 5th ID ang panawagan ng CPP NPA na umalis na ang militar sa mga baryo.

Dagdag pa ni Major Tayaban, dalawang batalyon pa ng sundalo ang ikakalat sa mga baryo para tuluyan nang mapuksa ang rebeldeng grupo.

Facebook Comments