CCTV Cameras, ikinabit sa Lagusnilad underpass

39
COURTESY: MANILA PUBLIC INFORMATION OFFICE | FACEBOOK

Ikinabit ngayon ang CCTV Cameras sa Lagusnilad underpass malapit sa Manila City Hall na siyang lagusan ng mga taong galing Intramuros at patawid ng munisipyo.

Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga dumadaan sa nasabing underpass.


Mahigpit din na ipinagbabawal ngayon ang vendors sa nasabing lugar matapos na nilisin ang underpass at lagyan ito ng makukulay na murals kung saan tampok dito ang medical frontliners.

Makikita sa murals ang mga doktor, nurses at iba pang frontliners na lumalaban ngayon sa gitna ng pandemya.

Bida rin sa murals ng Lagusnilad ang Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal at ang imahe ng Itim na Poong Nazareno.

Bahagi rin ng mahabang murals ang mga sikat na pasyalan sa Maynila gaya ng Luneta Park at Intramuros.




Nakiusap naman si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa publiko at sa mga nagpapakilalang artists na huwag nang gamitin ang Lagusnilad para sa kanilang mga art o likhang sining.

Facebook Comments