CCTV footage sa loob ng gumuhong Chuzon Supermarket, isinapubliko

Isinapubliko na ng Pampanga Provincial Police Office ang mga kopya ng CCTV sa loob ng Chuzon Supermarket nang maganap ang 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Sa unang CCTV footage, makikita kung paano bumagsak ang kisame at ikatlong palapag ng Chuzon Supermarket.

Habang makikita naman sa isa pang video kung paanong nagtakbuhan ang mga empleyado at mamimili habang lumilindol.


Ayon kay Pampanga Police Provincial Office Director Pol. Col. Jean Fajardo, malaki ang tulong ng mga CCTV footage sa kanilang imbestigasyon.

Makikita dito aniya kung angkop ba ang ginamit na mga materyales sa kontruksyon ng pamilihan.

Facebook Comments