Judicial & Bar Council, inilabas ang listahan ng pagpipilian ni Pangulong Duterte sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema

321

Manila, Philippines – Inilabas na ng Judicial & Bar Council ang shortlist na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Kabilang sa shortlist ay sina:
Presiding Justice Andres Reyes na may 7 boto;
Justices Rosmari Carandang at Jose Reyes na kapwa may 6 na boto;
Habang 5 votes naman ang nakuha nila Justices Apolinario Bruselas, Japar Dimaampao at Centro Escolar University Vice Dean Atty. Rita Linda Ventura Jimeno;
At 4 na boto naman ang nakuha ni Justice Amy Lazaro Javier.

Ipapadala ng JBC ang shortlist sa Palasyo ng Malakanyang at alinsunod sa ating Konstitusyon may 90 araw o 3 buwan si Pangulong Duterte para magtalaga ng papalit kay SC Associate Justice Bienvenido Reyes na nakatakdang magretiro sa Hulyo a-6.


Facebook Comments