CCTV footage sa naging karanasan ng transgender na si Gretchen Diez, hawak na ng senado

Hawak na ni Senate President Tito Sotto III ang CCTV footage ukol sa sumbong ng transwoman na si Gretchen Diez na diskriminasyon makaraang pagbawalan syang gumamit ng comfort rooms na pambabae sa isang mall sa Quezon City.

 

Ayon kay Sotto, naisumite na rin sa kanya ang mga sinumpaang salaysay ng mga nakasaksi sa insidente at police reports.

 

Diin ni Sotto, mahalaga na malaman ang tunay na istorya ng nangyari kay Diez dahil ang kumakalat ngayon na video sa social media ay galing lang sa panig ni Diez.


 

Sa impormasyong nakarating kay Sotto, ang pagbabawal kay Diez na gumamit ng female CR ay tugon lang ng janitress sa reklamo ng dalawang babae na gagamit ng CR.

 

Sa pagkakaalam ni Sotto ay inihatid pa ng janitress si Diez sa CR para sa mga senior citizen at may kapansanin na katabi lang din female CR.

 

Pero pinalagan ito ni Diez na ugat din kaya nagsimula syang magvideo ng live sa social media.

 

Plano ni Sotto na isumite ang mga hawak niyang CCTV footage at mga dokumento sa committee on women, children, family relations and gender equality na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros at syang may hawak ng SOGIE equality bill.

Facebook Comments