Ilang nanay, nag-donate ng breastmilk para sa 1-buwang sanggol na namatayan ng ina

2586
Images from Abigail Rica at John David Borre via Facebook

Sa tulong ng social media, nakapag-donate ng breastmilk ang maraming ilaw ng tahanan para sa isang munting anghel na sumakabilang buhay ang nanay dahil sa severe dengue.

Ayon kay John David Borre, ipinawanagan niya sa Facebook ang pangangailangan ni Baby Lexi nitong Agosto 14.

Sa post ng lalaki, mababasang humihingi siya ng saklolo upang makakuha ng gatas ng ina na mapapainom sa isang buwang gulang na sanggol.


Dagdag pa niya, ito ang namumukod-tanging paraan nilang magkakaibigan para maging tuloy-tuloy ang pag-inom ni Baby Lexi ng breastmilk.

Kaibigan ni Borre ang namayapang nanay ng sanggol na kinilalang si Cristine Ang, 22-anyos. Naiwan ng dalaga ang kaniyang mag-ama.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng lolo at lola ang anak ng yumaong si Cristine.

Laking pasasalamat ni Borre sa lahat ng taong nagbigay ng donasyon kay Baby Lexi.

Sa mga gusto pang tumulong, maaring magpadala ng mensahe kay Borre sa kaniyang Facebook account or makipag-unayan sa numerong 09456884652.

Facebook Comments

From Advertisers