Puspusan na rin ang paghahanda at koordinasyon ng Sta. Barbara Municipal Police Station at ng Commission on Elections (COMELEC), kasama ang pamunuan ng mga paaralan, para masiguro ang ligtas at maayos na botohan sa darating na Mayo 9.
Kamakailan, nagsagawa ng security survey and inspection ang kapulisan ng bayan sa mga eskwelahan na magsisilbing polling centers.
Sadya ng pagbisita ng mga lokal na awtoridad, kasama na ang mga representante ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ni COMELEC office na maplano ng maigi ang paglalagay ng close circuit televisions (CCTV) sa bisinidad ng voting precincts at pagsunod sa iba pang safety and health measures.
Ang hakbang na ito ay upang masiguro ang pagsasagawa ng halalan sa gitna naman ng pandemya. | ifmnews
Facebook Comments