KUWAITI NATIONAL NA NAMATAY SA OSPITAL, AGAD NA INILIBING MATAPOS MAGPOSITIBO SA COVID-19

Cauayan City, Isabela- Agad na inilibing sa sementeryo ang bangkay ng isang Kuwaiti National na namatay matapos isugod sa ospital at magpositibo sa covid-19 gamit ang Antigen test.

Nakilala ang nasawing biktima na si Khaleel Erh Khasroh, 57 taong gulang, na naka check-in sa isang hotel sa Bonifacio Street corner Luna Street, Centro 7, Tuguegarao City, Cagayan.

Una rito, isinugod ang bikima sa Tuguegarao City Peopleโ€™s General Hospital ng mga tauhan ng tinutuluyang hotel dahil sa panghihina at hirap na makahinga kung saan agad na sinuri sa antigen test kung saan positibo ito sa SARS-COV2.

Nang masuri sa antigen test ang biktima ay binawian na ito ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Ang mga naiwang gamit at pera ng biktima ay nasa pangangalaga ng Supervisor ng tinuluyang hotel.

*Inilibing si *Khasroh sa Dadda cemetery sa Tuguegarao City, Cagayan.

Facebook Comments