CCTV team at security agency, nasabon ng mga kongresista sa ikalawang pagdinig sa insidente ng RWM

Manila, Philippines – Nagisa ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang CCTV Surveillance Team ng Resorts World Manila at NC Lanting Security Agency dahil sa mga nakitang lapses sa security.

Sa ikalawang pagdinig ng House Committees on Tourism, Games and Amusement at Public Order and Safety, nasermunan ni Fariñas ang CCTV surveillance team ng RWM dahil sa kawalan ng koordinasyon para sana maituro sa kanilang mga gwardya kung nasaan ang assailant na si Jessie Carlos.

Bukod dito, nailigtas sana ang mga na-trap sa second floor nang mga oras na pumasok na sa kwarto sa 5th floor si Carlos.


1220am pa lang ay nagevacuate na ang mga nasa CCTV room kaya hindi na nasundan pa ang galaw ng gunman.

Samantala, nasita din ni Fariñas ang NC Lanting Security Agency dahil sa 64 na mga tauhan nito na nakakalat sa RWM ay walang mga dalang baril ang kanilang mga gwardya dahilan kaya walang nagawa ang mga ito ng magpaputok at magsunog sa casino ang gunman.

Maliban dito, hindi rin kumbinsido si Fariñas na nagkaroon ng engkwentro s pagitan ng mga security at ni Carlos.

Sa ipinalabas na 20 minute video na kuha ng June 2 ng madaling araw, napuna din ng mga kongresista na hanggang sa walang ng videos ang mga cctvs ng bandang 1230am ay hindi pa rin gumagana ang sprinkler system.

Nakita din sa video na 1215 ng madaling araw ng June 2 ng pasukin ni Carlos ang RWM at ang sunud sunod na putok ng baril na naririnig sa loob ng casino ay dahil sa inilagay na mga ammunitions ng gunman sa nasusunog na gaming table.

Humarap din sa pagdinig ang lady guard na humarang noong una kay Carlos na si Mary Grace Rayala at inilahad kung paano nakalusot sa security ang gunman.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments