CDO, walang natalang biktima ng paputok.

By: Joanna Ricote
Walang natalang biktima ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon kagabie.
Ito ang kinumpirma ni Police Chief Inps. Mardy Hortillosa, ang spokesperson ng Cagayan de Oro City Police Office.
Ito ay dahil na mahigpit na ipinatud sa lungsod ang community firework, kung saan ang bawat barangay ang may itinalaga na display center kung saan maaring magpaputok ang mga residente sa nasabing barangay.
Subalit, patay dahil sa pamamaril dito sa lungsod ang biktima na nakilala sa pangalan na si Edgar Jaguno, 29 na taong gulang, isang construction worker, na residente ng Purok 3 Brgy. Dansolihon.
Ang suspect sa nasabing pamamaril ang kainuman nito na isang construction worker, na nakilala sa pangalan na si Junior Daba.
Ang biktima ay nagtamo ng tama sa kaniyang dibdib na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Facebook Comments