Cauayan City, Isabela- Handang-handa pa rin ang tanggapan ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Rescue 922 sa pagtugon sa anumang pangangailangan ng mga Cauayeño sa kabila ng pag-lockdown sa Cityhall ng Cauayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Ronald Viloria, patuloy pa rin aniya ang kanilang paghahatid serbisyo para sa mga humihingi ng agarang tulong medikal at transportasyon para sa mga pasyenteng kinakailangang mailipat sa ibang pagamutan.
Mayroon aniyang cellphone number na maaaring tawagan ng mga Cauayeño para makapag set ng schedule sa pagpapagamot at kung kinakailangang mailipat sa Metro Manila.
Maaari aniyang tumawag sa 0927 444 1519 kung kinakailangan ng ambulance vehicle para mailipat sa ibang ospital ang pasyente habang sa Rescue hotline number naman na 0916 526 9222 para sa mga emergency cases.
Ayon pa kay Ginoong Viloria, nakahanda lamang ang kanilang pwersa sa pagbibigay ng tulong sa anumang hindi inaasahang kaganapan.