CDRRMO-Dapitan, 3rd Place for Best Component CDRRMC’s sa rehiyon 9

54

Dipolog, Philippines – Matapos ang ginawang gawad kalasag o kalamidad at sakuna labanan, sariling galing ang kaligtasan field validation na ginawa ng regional selection committee ng region 9 kamakailan, ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Dapitan ay nakakuha ng final rating na 80.5% o 3rd Place for Best Component CDRRMC’s sa buong rehiyon.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nagpalabas ng mga guidelines sa nasabing kompetisyon at isa sa mga basehan nito ay ang malaking kontribusyon ng mga CDRRMC’s sa komunidad.

Kaugnay nito, nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Dapitan City Mayor Rosalina Jalosjos sa lahat ng mga kawani ng CDRRMO-Dapitan sa kanilang malaking achievement na siyang simbolo ng pagkakaisa para sa hinahangad na kaayusan sa buong siyudad.

Ang awarding ng Gawad Kalasag Winners ay nakatakdang gawin ngayong darating na buwan ng hulyo ng taong ito.

Facebook Comments