Ceasefire sa NPA, posibleng materminate dahil sa pag-ambush sa tropa ng pamahalaan
Kinumpirma ni Senator Christopher Bong Go na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman kung kaninong kampo ang lumabag sa idineklarang ceasefire ng pamahalaan at ng tropa ng mga rebeldeng New Peoples Army.
Kasunod ito ng nangyaring ambush sa tropa ng gobyerno sa Camarines Norte kung saan mayroong namatay at nasugatan.
Sinabi ni Go na hindi masisisi ang pangulo kung iti-terminate ang unilateral ceasefire kung mapatunayang may paglabag.
Una nang nanawagan si Go sa rebeldeng grupo na magtiwala sa Duterte administration dahil ito lamang ang administrasyon na sinsero sa pakikipag-usap sa mga makakaliwa.
Matatandaang kinondena ng AFP ang ginawang pananambang ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan habang nanindigan ang national democratic front o NDF na dumepensa lamang sila sa tropa ng gobyerno.
Samantala, hindi naman na ikinagulat ni senator ronald bato dela rosa ang ginawamg ambush ng NPA kahit may umiiral na ceasefire.
Sabi ni bato, na dating hepe ng pambansang pulisya, dati ng mapanlinlang ang personalidad ng rebeldeng grupo na may hindi mapagkakatiwalaang.