Ceasefire umiiral sa South Upi, mga IDPs nagsibalikan na sa kani-kanilang tahanan!

Nagsimula ng magsibalikan ang mga pamilyang lumikas mula mga sa Sitio ng mga Baranggay ng Pilar, Pandan at Kuya matapos ang halos dalawang linggo na paninirahan sa mga evacuation center matapos sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga armado dahil agawan sa lupa.

Kasalukuyang may umiiral ng Ceasefire sa pagitan ng dalawang grupo ayon pa kay South Upi Mayor Reynalbert Insular sa naging panayam ng DXMY. Kontrolado na rin aniya ng mga otoridad ang sitwasyon sa lugar dagdag pa ni Mayor Insular.

Kasalukuyang may mga proseso na rin aniyang ginagawa ang LGU South Upi katuwang ang Menre Barmm upang tuluyang matuldukan na ang matagal ng pinag-aagawang lupa giit pa ni Mayor Insular.


Nagpapasalamat naman ang Alkalde sa mga tumulong sa kanyang mga kababayang naapektuhan ng tensyon. Kabilang na ang Readi Barmm , Provincial Government ng Maguindanao at iba pang mga opisyales.

Matatandaang halos nasa isang libong pamilya ang lumikas matapos muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga armadong nag-aagawan sa lupa .

South UPI FB PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments