Supreme Court, itinanggi na naka-lockdown ang Hudikatura at DOJ

Inanunsyo ng Korte Suprema na “fake news” ang kumalat sa social media na naka-lockdown ang Korte Suprema, Court of Appeals (CA) at Department of Justice (DOJ).

Ayon sa Supreme Court, “in full operation” ang kataas-taasang hukuman at walang katotohaban na naka-lockdown ang Supreme Court (SC), CA at DOJ dahil may mga empleyado raw na nagpositibo sa COVID-19.

Bagama’t binura na ang naturang post, may mga screenshot na kumalat sa social media.


Tiniyak naman ng Korte Suprema na gumagawa sila ng ibayong pag-iingat para sa kanilang mga empleyado at maging sa publiko sa gitna ng banta pa rin ng COVID-19.

Facebook Comments