Cebu City Government, bibili ng 100 na mga K-9 dogs para sa anti-drug operations ng PDEA-7

Cebu City, Philippines – Plano ngayon ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña nga bumili  ng isang daang K-9 dogs upang magamit sa mga anti-drug operations ng PDEA-7.

 

Pinag-aaralan ngayon ni Osmeña na maglagay ng K-9 unit facility sa South Road Property o SRP kong saan ilalagay ang mga K-9 dogs na inaasahan na makatutulong sa pag-detect ng mga kontrabando sa kasagsagan ng mga anti-illegal drug operations ng PDEA.

 

Ayon kay Mayor Osmeña na ang mga drug dependents ang magsisilbing handlers nga K-9 dogs, kung saan ang mga drug dependents ay isasailalim sa training para sa K-9 handling.

 

Ang training ng mga K-9 handlers  ay  kabilang din sa drug rehabilitation program ng Cebu City para sa mga drug dependents na nais magbago na sa buhay at magkaroon pa ng trabaho.


Facebook Comments