Babaeng sumailalim sa liposuction at enhancement surgery noong Linggo, namatay; publiko, binalaan

Manila, Philippines – Nagbabala ang cosmetic surgeon na si Doc Jim Sanchez kaugnay ng pagkamatay ng 29 anyos na babaeng negosyante na sumailalim sa liposuction at enhancement surgery noong Linggo.

 

Matatandaang isinugod sa Makati Medical Center ang negosyanteng si Shiryl Saturnino nang bigla itong mawalan ng pulso habang nasa operating room ng The Icon Clinic.

 

Sa interview ng RMN kay Dr. Jim, sinabi nito na kahit sino man ay maaaring mangyari ang nasabing insidente.

 

Paliwanag ni Doc Jim – ang liposuction ay isang major surgery na ligtas kung lahat ng mga kinakailangan ay nagawa ng pasyente.

 

Kasabay nito, umapela ang beteranong cosmetic surgeon na mas mabuting hintayin munang matapos ang imbestigasyon bago magbigay ng konklusyon sa insidente.

 

Dagdag pa nito, huwag munang husgahan ang nangyari dahil walang doktor ang may nais mamatayan ng pasyente.

 

Paalala ng doktor, siguraduhing malusog ang pangangatawan bago sumailalim sa operasyon.



Facebook Comments