Cebu City, magbibigay ng financial assistance sa napatay na pulis at mga sundalo sa engkwentro sa Bohol

24

Cebu, Philippines – Magbibigay si Cebu City Mayor Tomas Osmeña ng kalahating milyong peso na financial assistance sa mga nagluluksa na pamilya sa pulis at tatlong sundalo na napatay sa engkwentro sa pagitan ng pwersa ng gobiyerno at grupong Abu Sayyaf sa lungsod ng Inabanga probinsya ng Bohol.

Ayon ni Osmeña, kahit hindi taga-Cebu sila PO2 Rey Anthony Nazareno, 2nd Lt. Estilito Saldua Jr., Corporal Miljune Cajaban, at Sergeant John Dexter Duero, handa pa rin magbigay ng assistance ang alkalde sa Cebu City dahil sa pinakita nilang kabayanihan para sa kapayapaan ng lalawigan sa Bohol at karatig nitong probinsya na Cebu.

Kukunin ni Mayor Osmeña ang pondo para sa naturang financial assistance sa share ng PAGCOR sa mga casino operations nito sa Cebu City.
Nation

Facebook Comments