Cebu Pac, iginiit na dumaan sa screening ang mga pasahero ng flight 5J 111

56

Nilinaw ng Cebu Pacific wala sa mga pasahero ng flight kung saan nakasakay din ang kaanak ng unang kaso ng novel coronavirus infection sa Hong Kong ang inilagay sa quarantine.

Ayon sa Cebu Pac, naalerto sila sa mga ulat na ang mga pasaherong sakay ng flight 5J 111 na bumiyahe mula Hong Kong patungong Manila ay posibleng na-expose sa coronavirus.


Pero pagdating nila sa Manila ay dumaan sila sa screening ng Bureau of Quarantine.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa Hong Kong authorities para beripikahin ang mga impormasyon.

Sa ngayon, pinayuhan ng Cebu Pac ang mga pasahero nito na agad magpatingin sa doktor kapag nakakaranas na ng sintomas gaya ng sipon, ubo at lagnat.

Nagsagawa na rin sila ng disinfection sa kanilang mga eroplano at nagpatupad ng ilang precautionary measures.

Facebook Comments