Cebu Pacific at Cebgo, nag-anunsyo na ng pagbubukas ng domestic flights epektibo bukas

Matapos na ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at mga karatig na lugar, balik na rin ang flight ng Cebu Pacific at Cebgo epektibo bukas, August 19,2020 sa mga lalawigan at karatig na bansa sa Asya.

Kabilang dito ang flights mula Maynila patungo ng Virac, Masbate, Legaspi, Cauayan, San Jose, Cebu, Boracay, Dumaguete, Iloilo, Kalibo, Bacolod, Tacloban, Roxas, Butuan, Cagayan de Oro, Cotabato, Davao, Dipolog, General Santos, Ozamis, Pagadian at Zamboanga City.

Habang ang international flights ay Tokyo, Incheon, Singapore, Taipei at Dubai.


Mananatili namang suspendido ang flights sa mga ruta na hindi nabanggit sa anunsyo.

Facebook Comments