Cebu Pacific, may handog na 3-day seat sale

916
Image from Cebu Pacific Air Corporate website

Muling nag-anunsyo ng seat sale ang Cebu Pacific Air nitong Lunes.

Batay sa Facebook post ng kilalang airline company, maaring mag-book ng flight ticket para sa mga domestic destination mula P99 pataas.


Sakop ng naturang promo ang mga flight mula Clark International Airport at Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro City na patungong Bacolod, Bohol, Cebu, Caticlan (Boracay),  Davao, Dumaguete, Iloilo, at Puerto Princesa.

Ang mga eroplanong biyaheng Hong Kong, Cebu, Davao, Dubai, at Beijing ay may base fare promo na P499.

Samantala, ang mga flights galing Maynila na papuntang Guangzhou, Shanghai, Xiamen, at iba pang destinasyon ay ma-avail mula P299 pataas.

Nagsimula ang seat sale promo ngayong araw at tatagal hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 24.

Ang travel period ay mula Disyembre 1, 2019 hanggang April 30, 2020.

Para sa karagdang katanungan o detalye, bumisita lamang sa official website at social media pages ng Cebu Pacific.

Facebook Comments

From Advertisers