Cebu Pacific, nag-abiso na rin sa kanilang mga pasahero ng mandatory na pagsusuot ng face shield

Nag-abiso ang Cebu Pacific na mula August 15, 2020, obligado na ang kanilang mga pasahero na magsuot ng face shield.

Bukod ito sa pagsusuot ng face mask pagpasok pa lamang sa airport hanggang sa kanilang destinasyon.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa protocol na pinatutupad ng gobyerno bilang bahagi ng paglaban sa COVID-19.


Tiniyak din ng Cebu Pacific na patuloy ang kanilang pagpapatupad ng enhanced bio-security preventive measures para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at tauhan.

Partikular ang disinfection protocols sa kanilang mga aircraft at pasilidad, pagsasailalim sa rapid antibody testing sa kanilang frontliners at crew, gayundin ang contactless flight procedures.

Muli namang nagpaalala ang Cebu Pacific na kanselado ang kanilang domestic flights papasok at palabas ng Metro Manila hanggang sa August 18,2020.

Pero tuloy ang kanilang flights mula Clark International Airport patungo ng Cebu at pabalik ng Clark kada Martes, gayundin ang Cebu-Davao-Cebu kada Martes din.

Facebook Comments