Cebu Pacific, nagkansela ng flights sa ilang lugar sa Visayas na nilindol

175

Manila, Philippines – Kinansela ng Cebu Pacific ang flights nito ngayong araw hanggang sa July 9 patungo ng Cebu at Ormoc.

Sa harap ito ng aftershocks kasunod ng lindol kahapon sa Leyte.

Pinapayuhan naman ng Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero na makipag ugnayan sa kanila.


Kinumpirma naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesman Eric Apolonio na kanselado muna ang flights sa Ormoc dahil sa pinsala sa paliparan kasunod ng nangyaring lindol.

Facebook Comments