Cebu Pacific nakatakdang magsumite ng tugon sa Cab hinggil sa nangyaring sandamakmak nilang flight cancellations

Tatalima ang Cebu Pacific sa kautusan ng Civil Aeronautics Board na magsumite ng kongkretong plano at solusyon upang hindi na maulit pang muli ang pagkakaroon nila ng sandamakmak na flight cancellations.

Matatandaan nitong April 28 – May 10 umabot sa 172 one-way domestic flights o katumbas ng 14 na flights kada araw ang kinansela ng Cebu Pacific dahil umano sa technical issues ng kanilang mga aircrafts kung saan 13,000 pasahero ang naapketuhan.

Ayon sa tagapagsalita ng Cebu Pacific na si Charo Lagamon pinaghahandaan na nila ang kanilang isusumiteng tugon sa CAB.


Masusi aniya ang gagawin nilang pag aaral at ilalahad ang mga hakbang ng Cebu Pacific upang hindi na ito mangyari pa sa hinaharap.

Kahapon sinabi ni Atty. Carmelo Arcilla, Executive Director ng CAB na hindi nila pagmumultahin ang Cebu Pacific sa perwisyong dulot nito sa mga pasahero dahil sa sangkaterbang flight cancellations.

Bagkus binibigyan nila ng 30 araw ang nasabing airline company upang maghain ng tugon o plano nang sa gayon ay mapaghusay pa nila ang kanilang operasyon para sa kapakanan narin ng mga pasahero at ng buong airline sector.

Facebook Comments