Cebu – Umaasa ang Cebu Provincial Commission on Elections na mapagdesisyunan na kongreso ang lahat ng panukala tungkol sa pagpaliban ng Barangay at SK elections ngayong Oktobre.
Ayon kay Cebu Provincial Election Supervisor Lionel Marco Castillano, dapat may desisyon na ang Kongreso hingil sa postponement ng eleksyon upang hindi masayang ang kanilang pondo sa paghahanda sa Barangay at SK elections kung sakaling mapagpaliban ang halalan.
Inihayag ni Castilano na nakapag-bidding na sila para sa supplier ng mga election supplies ngnunit hindi pa nila ito na award.
Sa ngayon, ayon kay Castillano na natapos na ang kanilang preparasyon para sa eleksyon gaya ng local registration at clustering ng mga presinto.
Facebook Comments