Lake Sebu, mas pina-igting ang seguridad laban sa armadong grupo

Lake Sebu – Aminado si Police Chief Inspector Ramon Miguel Gencianos, chief of police ng Lake Sebu Municipal Police Station na may ilang mga lugar ng armadong grupo sa ilang boundary ng kanilang bayan.

Ayon kay Gencianos na ang Lake Sebu ay nasa bukiring bahagi ng lugar kung saan dito kadalasan dumadaan ang mga armadong grupo.

Siniguro naman nito na may mga hakbang na silang ginagawa upang masiguro ang seguridad ng lugar.


Ang nasabing grupo ay hindi namamataan sa sentro ng bayan.

May mga dagdag naman silang checkpoints sa lugar upang mapasiguro ang kaligtasan ng lahat.

Napag-alaman na mahigpit ang implementasyon ng curfew sa nasabing bayan.

Facebook Comments