Mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga close at air-condition na lugar sa lalawigan ng Cebu.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Cebu Board Member John Ismael Borgonia ang inaprubahang Ordinance No. 2022-03 na nagpapatibay sa Executive Order 16 ni Cebu Governor Gwen Garcia na opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa lalawigan.
Ayon kay Borgonia, nakasaad sa ordinansa na pinapayagan lang ang hindi pagsusuot ng face mask sa mga open area o outdoor pero mandatory pa rin sa mga closed space, crowded area at may mass gathering.
Kasabay nito, pinanindigan ng Cebu Provincial Government ang ordinansa sa kabila ng banta ng Department of Local Government na posible silang makasuhan.
Giit ni Borgonia, handa silang harapin kung anuman kasong isasampa laban sa kanila lalo na’t ligal ang naturang ordinansa.
Kasabay nito, sinabi ng opisyal na dapat tignan at ikonsidera ng Inter-Agency Task Force ang sitwasyon sa rural at urban areas sa paggawa ng mga polisiya lalo na’t may mga lugar na mababa na ang kaso ng COVID-19 tulad sa kanilang lalawigan.