Duterte Administration, nakakuha ng perfect 10 na score sa NAPC kaugnay sa usapin ng National Poverty Reduction Program

72

Binigyang ng mataas na grado ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang papalabas na administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang ni NAPC Undersecretary Penelope Belmonte ng perfect 10 na score ang Duterte Administration kaugnay sa National Poverty Reduction Program.

Giit ni Belmonte, sa kabila ng pandemya ay hindi nagpapabaya ang pamahalaan upang tulungan ang mga mahihirap.


Isa aniyang patunay rito ang unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, umaasa ang NAPC na ipagpapatuloy ng administrasyon ni President Elect Bongbong Marcos ang mga nasimulang programa ng Duterte Administration na makakatulong sa mga mahihirapan.

Facebook Comments