Pinangangambahan ngayon ng OCTA Research group ang Cebu Province, kasama ang Cebu City dahil sa surge ng COVID-19 infections.
Matapos umabot sa 1.57 ang reproduction number ng virus, mataas kumpara sa reproduction number sa buong bansa na nasa 0.96 lamang.
Sa kanilang bagong report, nakakapagtala ang Cebu ng average na 147 na bagong kaso kada araw nitong mga nakalipas na linggo.
Ang reproduction number na 1 o higit pa ay nangangahulugang nagpapatuloy ang COVID-19 transmission.
Ang positivity rate sa lalawigan ay nasa 6% matapos makapagsagawa ng testing ng 2,400 test kada araw.
Babala ng OCTA, posibleng pumalo sa 400 new cases kada araw ang maitala sa Cebu kapag hindi ito naagapan.
Mag pagtaas din ng kaso ng COVID-19 sa Iloilo habang bumagal sa Mountain Province.
May pagbaba rin ng kaso sa Isabela, Cagayan, Kalinga, Pangasinan, Benguet, Davao del Sur at Misamis Oriental, habang may bahagyang pagtaas sa Mindanao, Davao del Norte at Cavite.
Sa Metro Manila, ang reproduction number ng COVID-19 ay bumaba sa 0.93 habang nananatili sa 4% ang positivity rate.
Mayroong “leveling in trend” sa CALABARZON at Central Luzon.