Deklarado ng Palasyo ng Malakanyang na special non-working holiday sa darating na April 5, 2018 sa buong Lalawigan ng Pangasinan dahil ngayon taon ang pagdiriwang ng ika 438th na Agew na Pangasinan at marami ang inihanda ang Probinsiya ng Pangasinan at isa na rito ang isasagawang Kidyam PanagAwaran (Sparkles of Pangasinan History).
Isa ito sa mga dapat abangan ng mga Pangasinense dahil ngayong taon lamang ito papasinayaan sa publiko. Ito ay pagpapakita ng kasayasayan at ganda ng Pangasinan at gagamitin ang Capitol Building bilang “big projection screen” at sasabayan ng grand display. Ipapakita rito ang mga magagandang istraktura na ipinagmamalaki ng Pangasinan. Ang Kidyam PanagAwaran ay pang-edukasyon ngunit asahan na ito ay masaya dahil makikita rito ng mga kabataan ang kasaysayan at paglago ng Probinsiya.
Isa sa mga ipinagmamalaki ng Pangasinan ay ang Capitol Building nan a ginawa noong Abril 1917 hanggang Disyembre 1918 noong panahon ni Gobernador Daniel Maramba na dinisenyo ng isang Amerikanong Arkitekto na si Ralph Harrington Doane. Kinilala ang Capitol Building bilang Philippines’s Best Capitol Building at idineklara ng National Commission for Culture and the Arts and the Filipino Heritage Festival, Inc. bilang isa sa walong Architectural Treasures of the Philippines.
Isa rin sa mga aabangan ay ang inagurasyon ng Abong na Dayew at susundan ng Thanksgiving Mass at Commemorative Program sa Capitol Plaza.
CELEBRATION | Kidyam PanagAwaran sa ika-438th Agew na Pangasinan!
Facebook Comments