Bilang pagpupugay sa mga guro, ipinadiriwang ang month long celebration ng National Teachers’ Day.
Ayon sa Department of Education (DepEd) nagsimula ang pagdiriwang ng National Teachers’ month noong September 5 at magtatapos sa October 5 na deklarado bilang World Teachers’ Day.
May tema itong “Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko,” kung saan binibigyang pagkilala ang papel ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal.
Kasunod nito inaabisuhan ng DepEd ang lahat ng kanilang regional offices, schools division offices, public and private schools sa buong bansa na makiisa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng teachers’ month celebration at magsagawa ng ibat-ibang kumpetisyon tulad ng arts and composition writing contests, cultural performances at iba pang contest na magbibigay high light sa trabaho ng mga guro.
Nabatid na ang grand celebration ng World Teachers’ Day ay gaganapin sa Ormoc City Superdome na pangungunahan ng mga matataas na opisyal ng DepEd.