Mariing inihayag ni Citizens for Philippine Sovereignty (CPS) chair Neri Colmenares na magiging marupok o vulnerable ang pwersa militar ng bansa sa hacking at espionage ng China dahil sa Memoramdum of Agreement na nagbibigay daan sa Dito Telecommunity na magtayo ng cellular towers sa loob ng mga kampo ng pulisya at sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ang Dito, na 40 posiyentong pag-aari rin ng state-owned China Telecom, ang siyang tinukoy ni Colmenares na magiging ‘tulay’ ng hacking at paniniktik kahit sa malayuan sa pamamagitan ng kanilang mga cell towers sa loob ng Philippine military at police facilities.
Ang isyu sa security risk na dala ng state-owned Chinese businesses sa bansa ay magpapatuloy dahil umano sa nangingibabaw na pangamba at takot ng Tsina na masapawan ng Estados Unidos ang kanilang ambisyong kontrolin ang mga Pilipino.
Tinukoy mismo ng National Cybersecurity Plan (NCP) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tinawag na ‘key areas in the online environment for cybersecurity’ at sinabing “paramount concern is the intrusion, through a MOA between the AFP and Dito/China Tel, of state-owned businesses into military bases, police camps, government facilities and their outlying areas within their localities.”
Upang maibsan umano ang takot sa posibleng cyber espionage ng mga dayuhan sa seguridad ng bansa, maging ang paniniktik sa mga pribadong buhay ng mga Pilipino, ay inihayag ni Dito chief administrative officer Adel Tamayo ang pakikipagtulungan ng Dito-ChinaTel sa United States cybersecurity firm na Fortinet.
Ngunit hayagang sinabi ng advocacy group na hindi maibsan ang naturang pangamba sa cyber espionage dahil sa dalawang batas sa Tsina na nag-uutos sa kanilang mga negosyo sa labas ng bansa, ‘tulad ng ChinaTel, na mangalap o maniktik ng mga impormasyon – ang China’s National Intelligence Law of 2017 at ang kanilang Counter-Espionage Law of 2014.
Isang mobile security firm na kung tawagin ay Zimperium ang nakatuklas sa pananaliksik nito na umano’y “potential security issues exist in cell towers or base transceiver stations (BTS) which can allow hackers to remotely hijack the entire cell phone tower.”
Ang Zimperium, na kilalang bilang global leader sa larangan ng mobile security, ay natuklasan na ‘bugs’ in a main BTS software service can open the device to external connections, allowing hackers to reach the BTS transceiver via the internet.”
Isa pang multinational software provider, Checkpoint Software Technologies Ltd., ang nauna nang nakatuklas na umano’y gumagamit ng mga ‘rogue cell phone towers’ ang mga Chinese hacker upang mamahagi ng Android banking malware sa pamamagitan ng mapanlinlang na text messages sa layuning masabotahe ang industriya ng mga banko.