Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Crispin” Remulla na wala sa kustodiya ng mga awtoridad ang cellphone na nasawi na middleman na si Jun Villamor.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Officer-in-Charge (OIC) Gregorio Pio Catapang Jr., na pinapuntahan na niya ang lugar kung saan namatay si Villamor, pero wala na yung telepono nito.
Dagdag pa ni Catapang, pipilitin niya mahanap at baka may nakadampot sa cellphone ni Villamor sa loob ng Bilibid.
Matatandaang, sinabi ni Jun Villamor sa kaniyang kapatid kung sino ang kumontak sa kaniya para patayin ang beteranong radio broadcaster na si Percy Lapid.
Si Villamor ay isa sa mga middleman na sinasabing naging tulay ng self confessed gunman na si Joel Escorial.
Facebook Comments