Pamilya Mabasa, inalok ng DOJ ng NBI agents na escort

Handa si Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla na bigyan ng National Bureau of Investigation (NBI) escorts ang pamilya ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid.

Sa ngayon kasi hindi pa tinatanggap ni Roy Mabasa ang alok ng DOJ na bigyan ng security escort ang kanilang pamilya.

Hindi pa aniya kasi makapagdesisyon ng pinal si Roy Mabasa.


Sinabi rin ni Remulla na maaari rin siyang humugot ng ilang mga tauhan mula sa Witness Protection Program (WPP) para may escort ang pamilya Mabasa.

Facebook Comments