Cellphone Vendor na Wanted sa Batas, Arestado!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na may kasong Paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Law sa Barangay Calao East, Santiago City, Isabela.

Ang nadakip ay kilalang si Jerome Austria, bente syete anyos, walang asawa, tindero ng Cellphone at residente ng naturang Barangay.

Si Austria ay nadakip ng pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Station 1 at City Intelligence Branch sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC 2nd Judicial Region, Branch 35 Santiago City nitong Mayo bente tres dahil sa kaso nitong Paglabag sa Anti-Fencing Law.


Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City Si Austria at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang labindalawang libong piso.

Facebook Comments