Tinapos ng Boston Celtics ang six-game winning streak ng Brooklyn Nets, 112-104.
Bumida sa panalo ng Celtics sina Jaylen Brown at Marcus Smart na kapwa umiskor ng 21 points.
Dinagdagan pa ito ng 16 points ni Aron Baynes at 15 points ni Marcus Morris habang hindi pa rin nakalaro ang star guard ng Celtics na si Kyrie Irving dahil sa sore left hip.
Nabalewala naman ang 25 points ni D’angelo Russel at 20 points ni Shabazz Napier para sa Brooklyn Nets.
Sunod na makakalaban ng Nets ang Chicago Bulls bukas habang sa Huwebes, magtatagisan sa hardcourt ang Celtics at Charlotte Hornets.
Facebook Comments