Tumanggap ng ₱100,000 cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang 100 taong gulang na si Lola Felipa B. Cawaling, residente ng San Nicolas, bilang pagkilala sa kanyang pag-abot sa isang siglo ng buhay.
Personal na inihatid ng lokal na pamahalaan ang cash gift sa centenarian bilang bahagi ng seremonyang isinagawa sa kanyang tahanan.
Bukod sa tulong mula sa NCSC, natanggap din ni Lola Felipa ang liham ng pagbati mula sa Pangulo ng bansa, gayundin ang ₱10,000 cash assistance at 25 kilo ng bigas mula sa Pamahalaang Bayan ng San Nicolas.
Ang pagkilalang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11982 na nagkakaloob ng mga benepisyo sa mga octogenarian, nonagenarian, at centenarian.
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy nilang ipinatutupad ang mga programang nagbibigay-halaga at suporta sa mga nakatatanda sa komunidad.







