Centenarian sa Santiago City, Tumanggap na ng P100K

Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng isang centenarian mula sa Lungsod ng Santiago ang Financial Assistance na personal na iniabot ni Santiago City Mayor Joseph Salvador Tan.

Kasama ni City Mayor Tan ang Punong Barangay ng Nagassican na si Ginoong Reynante Bautista at ilan pang kasamahan sa CSWD na nag-abot ng tseke na nagkakahalaga ng Php100,000.00 kay G. Florencio Faustino.

Ang nasabing programa ng lokal na pamahalaan ay alinsunod sa implementasyon ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga Senior Citizens na edad 100 pataas.


Bukod dito, una nang nagkaroon ng inisyatibo ang alkalde na magbigay ng karagdagang Php100,000.00 sa mga senior citizen ng Lungsod na may 95 taong gulang pataas.

Lahat ng mga lolo at lola sa Lungsod na umabot sa edad na 95 ay mabibigyan ng kabuuang halaga na Php200,000.00.

Facebook Comments