Central Chile – niyanig ng magnitude 7.1 na lindol; mga residenteng malapit sa karagatan – pinalikas dahil sa banta ng tsunami

Chile – Agad na pinalikas ang mga residente malapit sa karagatan ng Central Chile matapos tumama ang magnitude 7.1 na lindol.

Ito ay dahil na rin sa panganib ng tsunami.

Batay sa US geological survey – tumama ang sentro ng lindol sa lungsod ng Valparaiso na may lalim na 9.8 kilometers.


Ang Chile ay nasa ibaba ng tinatawag na pacific “ring of fire” kaya madalas ang nararamdamang pagyanig.

Noong Setyembre 2015 ay niyanig ng 8.3 magnitude na ikinasawi ng 15 katao at noong 2010 ay tumama rin sa bansa ang 8.8 magnitude na lindol na sinundan pa ng tsunami na ikinasawi ng 500 katao.
DZXL558

Facebook Comments