Central Italy, Niyanig Ng Magkasunod Na Lindol

12

CENTRAL ITALY – Niyanig ng magnitude 5.4 at magnitude 6.0 na lindol ang Central Italy.Ayon sa United States Geological Survey (USGS), unang naramdaman ang magnitude 5.4 na lindol sa bayan ng Marche at Umbria.Sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Rome.Samantala, makalipas ang ilang oras, isang malakas na magnitude 6.0 na lindol malapit sa epicenter ng unang pagyanig ang naramdaman.Wala pa namang naitalang pinsala sa mga istruktura ang magkasunod na pagyanig.Matatandaan, noong Agosto niyanig ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang Central Italy kung saan nasa halos 300 ang nasawi.

Facebook Comments