Tennis Court Na Naulanan Sa Morocco, Sinilaban Para Matuyo Kaagad At Magamit Sa Kanilang Event

7

CASABLANCA, MOROCCO – Binuhusan ng gasolina at sinilaban ang isang Tennis Court sa Casablanca, Morocco.Sa report, ito ang naging desisyon ng organizers ng ATP challenger tour tennis event matapos maulanan ang naturang court.Dahil dito, ilang oras din nahinto ang nasabing event.Sa kagustuhan na matuyo agad ang venue para matuloy ang nabinbing laro ay nagdesisyon ang organizers nito na patuyuin ang sahig ng court sa pamamagitan ng pagsilab dito.Buti lang ay wala namang naireport na nasaktan dahil sa mapangahas na hakbang na ito kung saan natuloy din ang kompetisyon.

Facebook Comments