Century old na puno sa compound ng simbahan sa Taytay, Rizal, ‘napabagsak’ ng Bagyong Aghon

Nabuwal ang matandang puno ng akasya na nasa harapan mismo ng Saint John the Baptist Parish Church Minor Basilica sa Bayan ng Taytay sa Rizal.

Bumigay ang mahigit 100-taon ng puno dahil sa walang tigil na mga pag-ulan na sinasabayan pa ng malakas na hanging dala ng Bagyong Aghon.

Sa Facebook post ni Taytay, Rizal Mayor Allan de Leon, ikinalungkot nito ang pagkakabuwal ng puno na aniya ay bahagi na ng kanilang kasaysayan.


Sabi ni Mayor De Leon, sa mga larawan mula pa noong taong 1880’s ay naging saksi na ang nabanggit na puno na nagsisilbing tipanan o meeting place mula pa nang panahong wala pa ang social media.

Bagama’t wala namang nasaktan o nasugatan pero dalawang  sasakyan ang nadaganan nito.

Facebook Comments