Mga nasa likod ng ‘PDEA leaks,’ sasampahan ng kaso ng isang negosyante

Perjury ang isasampang kaso ng pilantropo at Filipino-Indian businessman na si James Kumar laban kina Jonathan Morales, ex-National Police Commission (NAPOLCOM) staff Eric “Pikoy” Santiago at Department of Justice (DOJ) investigation agent Romeo Enriquez.

Ayon kay Atty. Cherry Anne dela Cruz, ang legal counsel ni Kumar, kasunod ito ng umano’y malisyoso at mapanirang mga pahayag ng mga ito sa nakaraang mga pagdinig ng Senado tungkol sa PDEA leaks.

Ang walang katapusang pagsisinungaling ng mga ito ay labis nang nagdudulot ng negatibong epekto sa reputasyon at kalusugan ng kanyang kliyente na ngayon ay nasa ospital dahil sa mild stroke.


Si Kumar ay founding president ng Filipino-Indian Commerce Welfare Society at board member ng Violence Against Crime and Corruption o VACC.

Facebook Comments