Suportado ng ilang sangay ng gobyerno ang pagtataguyod ng adlay, isang uri ng cereal crop, bilang alternatibong pagkain ng Pilipino at commercial crop.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, makakadagdag sa kita ng mga magsasaka ang pagpapakilala sa publiko ng iba’t ibang uri ng pagkain.
Aniya, tutulong sila sa pag-promote kasama ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ng adlay kung saan plano nilang magkaroon ng broadcast auction sa mga agrikultural na produkto ng adlay sa Enero ng susunod na taon.
Sinabi rin ni DA-Region 10 Director Carlene Collado, popondohan ng Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) ang technology development ng adlay para makapag-produce pa sila ng ilang produkto tulad ng adlay wine, kape, sabon at cereal.
Naglaan din ang DA-Region 10 ng lupa para sa produksyon ng adlay seeds at nakatakdang nang ipamahagi sa mga magsasaka at interesadong cultivators.